Home » Blog » Aypa, Gillian

Aypa, Gillian

“Barikada Singkwenta”

 

Acrylic paint on acetate sheets on face shield
2021

Sa pagsalubong ng ika-limampung pagdiriwang ng Diliman Commune ngayong taon ay kasabay naman ng paglusaw ng Administrasyong Duterte sa UP-DND Accord, sa halip na pagtuonan ng pansin ang lumalalang kaso ng COVID-19 pandemic at ang ligtas na pagbabalik-eskuwela ng mga mag-aaral. Lumipas na ang limang dekada mula noong ipaglaban ng libo-libong Iskolar ng Bayan ang karapatan sa malayang pagkilos at upang pabagsakin ang diktaduryang Marcos, ngunit ang mga isyung kinakaharap ng bansa laban sa isa nanamang pasista at pabayang rehimeng Duterte ang mismong nag-uulit sa kasaysayan. Limang dekada na ang lumipas ngunit heto pa din tayo, sumisigaw sa gitna ng pandemya para sa karapatan ng mga Pilipino. Ilang upuan at face shield pa ba ang kailangan ibarikada sa ating harap upang protektahan ang ating mga sarili?

Ako si Gillian Aypa, isang mag-aaral na kasalukuyang nasa ikatlong taon ng pag-aaral sa UP Kolehiyo ng Sining Biswal. Mula sa iba’t ibang impluwensiya ng tradisyunal na mga pintor at mga kontemporaryong artista ay sinusubukan kong siyasatin ang relasyon ng mga medium at temang pumupukaw sa aking isipan, personal man o isyung panlipunan. Sa ngayon ay sumusubok ako ng 2D at 3D medium sa aking mga likha upang patuloy pang pagyamanin ang aking mga kaalaman sa sining.