
“Sulong”
Oil on canvas
(no dimensions submitted)
2021
Ang dalawang mahalagang makasaysayang pangyayari ay nagpakita ng katapangan, pagmamahal at malasakit para sa bansa. Hindi nagpa sindak ang mga Pilipino sa mga Espanyol upang ipaglaban ang ating kapuluan. Sa Diliman Commune naman ay nagpamalas din ang mga estudyanteng Pilipino nang tapang upang kondenahin ang masahol na pamamalakad ng mga namumuno. Ipinaglaban ang mga kababayang inaabuso ng bulok na sistema. Ang mga Pilipino ay lumalaban hindi na para sa kanilang sarili kung hindi lalo’t higit para sa kanilang mga kababayan.Sa ating mga kinakaharap na problema ngayon, katulad ng patuloy na korapsyon na nagpapasakit sa mga Pilipino, ang pag aray ng mga Pilipino sa pataas ng pataas na presyo ng mga bilihin, ang mga magsasaka na patuloy na nagdurusa sa mababang presyo ng bigas, at marami pang iba…Patuloy ang pagiging kritiko at matiyagang pagtuturo sa mga taong kailangan mamulat sa katotohanan. Dahil ipinakita ng dalawang kaganapan na ito na hindi nagwawagi ang kasamaan na nais ipalunok sa mga Pilipino, patunay na ang kolektibong aksyon ay higit na makapangyarihan at maaaring makapagpabago ng sitwasyon, kaya’t ito ang marapat na baunin at ipagpatuloy.
I am Micah Salome, a Filipino artist born in Paete, Laguna, and currently resides in Makati City. Art became a way for me to find peace, appreciate little things, and meditate in the midst of the crowd. Abstraction, as well as the use of neutral and subdued colors, aided me in discovering my creative expression. I primarily focus on acknowledging various human emotions and paying attention to the things that most people overlook. My ultimate goal is to instill in the viewers a sense of acceptance and belonging.