Home » Blog » Bautista, McRayson

Bautista, McRayson

“Alpas”

(no details submitted)
2021

“Alpas” opisyal na obra para sa “TUGON: Community Reflects on Historical Moments” ni: Mc Rayson Abad Bautista Pahayag ng Lumikha: Ang naghahari at di-makataong sistema sa ating lipunan ay isang bagay na pinagtibay na ng panahon. Malubha ang romantisasyon at pagsasawalang bahala rito na nagbunga na ng maling paniniwala na ito ang normal na realidad ng buhay. Sa dahon ng ating kasaysayan, marami nang mga indibidwal at grupo ang nabigo at nagtagumpay sa pagsuong sa problemang ito, katulad na lamang ng makasaysayang Diliman Commune na naging lunduyan ng masang hindi pagagapi. Ang obrang ito ay isang pagtawag, pagmumulat-diwa, hindi lamang para sa mga iskolar ng bayan, bagkus sa buong sambayanang pinagsasamantalahan upang hubarin ang lahat ng mapang-alipustang pagnanasa ng naghaharing uri na nakakubli at malaon nang nakakabit sa ating pamumuhay. Ang “Alpas” ay siyang paggising na panahon na upang tayo ay lumaya at baguhin ang ating lipunan

Mc Rayson A. Bautista is a young Bulaceño artist who is still in quest of finding his true art style. Despite him being amateur in the professional practice of arts, his creative and critical mind is already seasoned by years of his experience in the field of campus journalism, student leadership, community service, and exposure in various mass organizations. Motivated and awakened by the need for his voice to be heard, he is now progressively moving towards immersing himself in the arts in the context of society