
"Pagtatagpo"
Plaster of Paris and Acrylic
2021
Pagdaong ng mga kanluranin sa lupang sinilangan at pag-usbong ng kanluraning paniniwala, barikada sa pagitan ng armadong awtoridad at estudyante’t manggagawa. Pagtatagpo ng dalawang panig na magkaiba ang paniniwala.
Parehong nagpakita ng pagtapak at paglabag sa karapatang pantao lalo na ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa.
Pilit na panghihimasok nang walang pahintulot at pag-aalinlangan. Dahas, pagpaslang, paglapastangan at krimen ay dinanas. Mga kamay na namimitig sumisimbolo sa kadakilaan at kasipagan ng mga ordinaryong manggagawa at mamamayan.
Mga kamay na nakatutok, simbolismo ng mga manlulupig at pagkamarahas na minsa’y nagparamdam ng takot at kalungkutan.
Ngunit kahit pa lumipas ang daang taon at magbago man ang panahon, patuloy paring laganap ang ganitong mga pangyayari ngayon. Nagkakaiba lamang ito ng anyo at paraan. Sa kasalukuyan tila naririto pa rin ang nakaraan, ordinaryong magsasaka katutubo o kahit manggagawa ay patuloy paring biktima at nalalapastangan. Mga produkto ng mapang-abusong kapangyarihan.
Jhewel Cacho is a true apprentice of the arts. He is a Fine Arts Student from the University of the Philippines whose practices dominantly convey realistic images. His works portray complex social issues but condenses them into simple and understandable forms. He takes inspiration from what he learned from his surroundings and translates them into an artwork. His main medium, although not exclusively, is oil paint. He continues to explore other media that he feels more comfortable expressing his ideas.