
“Kinakain ng Sistema”
Digitalized graphite on paper
2021
Ang inhustisya at korapsyon ay ilan lamang sa mga isyung sinusubok na pabagsakin ng mga progresibong organisasyon—mula noon hanggang sa kasalukuyang panahon. Mayroong dalawang panahon ang labis na magbabalik sa ating isip ng mga pinagdaanan ng Pilipinas 1) Ang pagpigil sa mga Espnyol na makapasok sa Pilipinas 2) Ang Diliman Commune—parehas na sinubukan ng dalawang magkaibang henerasyon na tutulan ang pagpasok ng mga abusado at mananakop; sa kasamaang palad, tuluyan pa rin itong napasok at nagapi ng kasakiman at abusado sa kapangyarihan. History repeats itself, ika nila palagi. Sa katotohanan, hindi naman kasaysayan ang umuulit sa mga pangyayaring naging parte ng ating malagim na kasaysayan. Sa tao ito nagsimula at patuloy na dumadaloy.
Kung pagmamasdang maigi, nauulit talaga ang mga pangyayari. Nagkakaiba lamang ang uri ng panahong kinabibilangan—kung saan iba na ang paraan ng mga tao sa pananawagan at pag-aalsa. Sa kasalukuyang henerasyon, sa Social Media na makikita ang mga balita at panawagan. Ito na rin ang plataporma ng mga mamamayan upang manghingi ng tulong at magbato ng kritisismo—hindi kagaya noon, libo-libong tao ang nasa kalsada upang magrally at magtipon. Nagbunga ito ng pagtatalo at malalang mga debate mula sa iba’t ibang mga panig—kahit noon pa ma’y mayroong tutol na sa mga progresibong pagkilos. Nakadagdag pa rito ang pagpapakalat ng gawa gawang mga balita at impormasyon—at kung minsan, galing sa mga trolls at galing mismo sa pamahalaan.
Makikita sa kasaysayan na malaki ang naidulot ng mga dayuhang pumasok at umalipin sa ating bansa. Malaki rin ang lamat nito sa kaisipan at kultura sa Pilipinas. Ngayon, natatakot pa rin tayo sa mga pumapasok at may maitim na balak sa pagtapak sa Perlas ng Silangan. Ngunit, nag-iba yata ang ihip ng hangin. Sa takot natin na pasukin tayo at abusuhin muli, hindi natin nakikita o napapansin na pailoob nagsisimula ang pagwasak sa Pilipinas. Hindi naman lahat ng parte ng pagkakamali ay dapat na ibato sa pamahalaan, mayroong pagkakamaling naiambag ang mga tao upang mas lumala ito. Ang pagbabanggaan ng bawat panig ukol sa mga bagay ay isa sa dahilan. Mali at lumang paniniwala ay bumabangga sa makabago at mas tamang proseso. Kagaya ng kanser, pailoob nito sinisira ang ating katawan: sa una ay hindi ito kapansin-pansin, ngunit, paglaon, ay malalaman na ito kung ito ay malala na. Korapsyon, maling impormasyon, paninirang-puri, at kalabuan sa kaisipan ay pare parehong lason sa lipunan.
Gelo Cinco is a passionate artist. He studied at the University of the
Philippines Diliman Major in Studio Arts and his main medium is oil
paint. Ever since he was a kid, he was always fascinated by art. His
inspirations in creating his works are mostly what he experiences and
see in his daily life. He believes that we humans are surrounded by a
life that is so beautiful that we tend to overlook it. He also notices
these simple things based on what he sees around him.