“Bisig at Dahas”
soap/bareta
2021
Isang pangyayaring di natin makakalimutan. Marahas. Abuso sa kapangyarihan. Kawalan ng respeto. Malaking kaganapang tatatak sa isipan ng maraming Pilipino.
Aking ipinangalanang Bihis at Dahas ang sculpture na ito. Ang kapit-bisig ay nagrerepresenta sa mga estudyanteng nagtulungan upang ipaglaban ang kanilang karapatan hindi lang para sa kanila, kundi na rin para sa bayan. Ang baril naman ay nagsisilbi bilang karahasan na inabuso ng mga nakatataas at militar, bala dahil sa pagpatay sa mga inosenteng estudyante at upuan naman bilang representasyon ng barricade.
Ilang taon na ang nakalipas ngunit makikita natin na malala pa rin ang nangyayari sa sitwasyon ng ating bansa. Nangyayari pa rin ang abuso sa kapangyarihan at karahasan ng mga nakatataas. Kung patuloy na hindi nakikinig ang mga nakatataas, patuloy pa rin ang ating paglaban para sa ating karapatan. Bilang isang Iskolar ng Bayan, nais nating gampanan ang motto na Honor and Excellence.
Alapaap Coquilla is a freshman student from the University of the Philippines College of Fine Arts. She is inspired to make artwork because of her early exposure from her father who is also a professional visual artist. She mainly uses oil paint, ink, and graphite to create artworks that reflect life, mostly about the small things that surround us.