Home » Blog » Crame, Julia

Crame, Julia

“Call of Duty”

Acrylic on Canvas
2021

Ano nga ba ang tunay na tungkulin ng kapulisan? “To serve and protect”, ika nga nila. Ngunit bakit parang isang laro lamang sa kanila ang lahat ng ito? Isa ba itong kompetisyon? Para lang ba itong Call of Duty na dapat patay lang nang patay? Paramihan lang ba ito ng dugo sa kanilang mga kamay? Bakit nga ba hindi, ano? Sinabe nga pala ng butihing presidente, “Shoot them dead”.

Lahat ng kumikritiko sa gobyerno , nilalagyan ng pulang marka; lalo na ang mga estudiyanteng ginagamit lang naman ang kanilang tinig upang palakasin lalo ang boses ng masa.

Tulad ng nangyayayri sa Diliman Commune , nanghihimasok na naman ang kapulisan sa UP Campus . Winakasan rin ng UP-DND Accord na isang kasunduan na bawal ang pulis sa loob ng Unibersidad. Dahil dito nawawalan ng kalayaang magpahayag ang mga estudiyante ng kanilang mga opinyon, lalo na kung patungkol ito sa gobyerno. Dito natin makikita ang pagkakapareho ng rehimeng Duterte at Marcos; pag hinahayaan ng pinuno na mang-abuso ng kapangyarihan ang kapulisan, mauulit at mauulit muli ang mga nangyari sa nakaraan.

# No To Red Tagging
# Defend Academic Freedom
# Uphold UPDNDAccord
# Handsoffouractivist

Si Julia Crame ay isang first year student mula sa UP College of Fine Arts at ang kaniyang major ay Visual Communication. Siya’y ipinanganak noong Mayo 13, 2000 at kasalukuyang naninirahan sa Meycauayan Bulacan. Siya’y nakapagtapos ng Senior High School sa Unibersidad ng Sto Tomas at kinuha ang track na Music, Arts and Design. Nag aral din sya ng kolehiyo sa UST at kinuha ang kursong Fine Arts major in Advertising bago nakalipat ng UP. Pinapangarap niya na maging isang book illustrator o creative director.