
“500”
Plaster of Paris and Acrylic
2021
Limang-daang taong kolonyalismo, Limang-daang taong pasismo. Kalimitan nating nakakalimutan kung saan nag-mula ang opresyon at panggigipit ng estado sa pangkarinawang mamamayang pilipino. 5 siglo na ang nagdaan noong nagsimula ang kultura ng panghaharass ng kapulisan. Mula sa mga Español na nagpalayas sa katutubo tungo sa kabundukan na tila ba’y kumukupas at nakakalimutan na. Matapos ang 300 daang taong pananakop ng español sumunod naman ang amerikano at bahagyang pagkabuhay ng katipunan noong ika-19 na siglo laban sa mga Amerikano. Marahil nag-mula ang sistema nang edukasyon natin sa mga Ameirkano kaya naman hindi naituturo ng maayos dahil sa pagbabago nila ng ating kasaysayan sa mga amerikano rin nagsimula ang Philippine Constabulary na pumalit sa mga Guardia Civil at kalaunan ay naging PNP. Ang huli rito ay ang kapulisan sa kasalukuyan na patuloy sa panggigipit sa mga ordinaryong mamamayan. Ipinapakita ng aking piyesa ang kasaysayan ng mamamayan laban sa mga nag proprotekta sa mga naghaharing uri na dati ay mga banyaga na ngayon ay kapwa pilipino na. Habang tumatagal kumukupas ang kasaysayan dahil parati itong binabago ng mga naghaharing-uri.
I am 21 years old studying Fine Arts majoring in painting at University of the Philippines Diliman College of Fine Arts. I had a prior experience in Fine Arts at University of Santo Tomas for 4 years. My philosophy is, I believe that art can comfort and destroy ideas. I admire Marcel Duchamp for destroying the hegemony of establishments to deem what is art and what is not.