Home » Blog » Lumanglas, Decca

Lumanglas, Decca

“Barikada”

Acrylic on paper
March 2021
11.5’x5.5’

Mula sa labanan ng Mactan, sa Diliman Commune, hanggang sa kasalukuyang panahon— isang panahon na laganap ang panghihimasok ng mapang-aping makapangyarihan, iisa ang tugon ng bawat Pilipino, magkakaiba man ng henerasyon. Ang Pilipino ay lumalaban kontra sa anumang, sinumang, mapaniil na siyang nagpapahamak sa soberanya natin bilang mga tao’t Pilipino. Sa bawat panghihimasok, handang bumarikada ang Pilipino para sa kaniyang karapatan at kalayaan. Ang Barikada ay larawan ng mga Pilipinong lumalaban. Paksa nito ay mga kamay na bumubuo ng isang pader o masasabing isang barikada. Sa bawat labanan ng iba’t ibang kapanahunan, kamay ang maituturing na ugnayan natin sa mga nauna nang nakibaka. Sa ano mang paraan ng pakikibaka, hawak man ay bolo, lapis, o sa mas modernong panahon at kasalakuyang pagkakataon, mga selpon, ang Pilipino ay patuloy na lumalaban. Sa mga kamay natin nananalatay ang diwa ng pakikibaka nang balang araw ay mawaksi na rin ang kapalarang nakaukit din mismo sa ating mga palad

Si Decca Lumanglas ay isang third-year BFA Art Education student. Sa kasalukuyan, hinahanap pa niya ang kaniyang estilo (at sarili) pagdating sa art. Nais niyang maging artist-educator-lawyer balang araw.