
“Repleksyon: Pagtugon sa mapang-abusong sistema”
8.5 x 11 inches
2021
Isa ang UP Diliman sa nakaranas ng mapang-abusong pamamalakad ng gobyerno dahilan upang magkaroon ng himagsikan kontra militar at sa administrasyong Marcos noong 1970. Dito ipinakita ng mga estudiyante, mga guro at kawani ng pamantasan kung gaano sila katatag at handang ipaglaban ang karapatang mayroon sila sa loob ng kampus.
Sa kasalukuyan, naglilipana ang pagrered-tagging ng gobyerno at kapulisan sa mga estudiyante, guro at mga kawani ng UP na nagreresulta upang himasukin nila ang payapang pamantasan na may dalang dahas at pagbabanta sa lahat. Dahil dito, patuloy ang pagtugon ng UP sa mapang abusong at bulok na sistema ng administrasyong ito.
Ginawa ko itong “Repleksyon: Pagtugon sa mapang-abusong sistema” upang ipakita na patuloy pa ring nauulit ang pangaabuso ng mga nasa itaas sa kanilang kapangyarihan. At dito ko rin pinapakita ang pusong makabayan ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban upang puksain at wakasan ang bulok na sistemang nararanasan at nagpapahirap sa karamihan. Salamin ang naging simbolismong ginamit ko sa obra ko upang ipakita na nagkakaroon ng repleksyon ang mga nangyayari noon sa kasalukuyan.
Ganunpaman, pinapakita ko rin sa obra ko kung paano ito tugunan ng mga Pilipino gamit ang kanilang tapang, boses at karapatan. Sa kabuuan, patuloy lang mauulit ang pang aabuso kung patuloy lang din natin silang hahayaan na tapakan ang karapan na mayroon tayo. Tumindig, manindigan at tumugon upang wakasan ang bulok na sistema ng bansa.
Ako si Romeo R. Nungay, III mula sa CFA. Isa akong freshman. Masasabi kong isa itong bagong karanasan na marami akong natutunan na mas lalo pang magpapahasa at magpapayabong sa talentong mayrooon ako. Sining ang isa sa naging sandata ko upang ipahayag ang mga opinyon ko patungkol sa isyung panlipunan. ang nagiging pangalawang sandata upang mag-ingayat umalingawngaw sa kapaligiran.