
"Si Mulat Sapol"
color pencil and graphite
on 11 x14 inch paper
2021
Simula paman ako bago pumasok sa unibersidad nang Pilipinas ay akoy pikit sa mga nangyayare sa gandang ito para lang din akong bagong dilang na batang walang muwang sa mundo, gusto ko lamang ipamahagi kong panong ang UP ay binago ang aking pananaw sa mga bagay bagay dito sa ating bansa.
Simula paman noon ay may mga naririnig na akong balita na ito daw ay isang magulong paaralan na ngunit hindi ko akalaing dito pa pala ako matoto nang husto, “lahat nang studyante aktibista at lahat nang aktibista studyante” isa lamang ito sa mga tumatak saakin habang pinapanood ko video patungkol sa Diliman Commune at habang nanonood ako at nakikinig sa background na musika ay hindi ko maiwasang mapagtanto na napaka swerte ko na sa UP ako napunta kong saan Mulat sa lipunan, Mulat sa mga bagay na masasabing katutuhanan.
Sa panahon ngayon kong Sino ang may alam/lumalaban sya o sila pa ang minamali, dahil simulat sapol kong sino ang mulat sa lipunan sya, sila, tayo ang pinagiinitan.