
“Deboto”
Charcoal on paper
9×14 inches
2021
Ang likhang sining na ito ay sumasalamin sa pagiging relihiyoso nating mga Pilipino na kinilala sa buong mundo na impluwesya ng mga kastila at bunga ng mahaba ng panahong kolonisasyon. Makikita sa likhang sining na ito ang isang batang may malumanay na matang nakatingin sa sa imahe ng santo, ito’y repleksyon sa ating kultura na mula pagkasilang ay bahagi na natin ang paniniwala, pananalig at pananampalataya sa panginoon. Ang pagsamba at pakakaroon ng pananampalataya ay likas na sa ating mga Pilipino, maging kahit anung unos man ang sa atin ay dumating ito’y lalampasan ng may ngiti’t galak sapagkat nasa puso natin ang tiwala at pananalig sa Panginoon. Ang batang nasa likhang sining na ito ay sumisimbolo sa kinabukasan at pag usbong ng kristiyanismo samantala ang santo man ay sumisimbolo sa pagkakatatag mg kristiyanismo. Ayon sa Mateo 19:14 sinabi ni hesus na “Hayaan ninyong lumapit sa akim ang maliliit na bata at huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat sa mga katulad nila ang kaharian ng langit”.
Ako si Christian Jay P. Santillan, labing-siyam na taong gulang nagmula sa lungsod ng Bulacan. Ako ay nasa unang taon sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa kursong Bachelor of Fine Arts major in Industrial Design. Ang aking iginuhit ay pinamagatang “Deboto” ito ay sumasalamin sa ating pagmamahal at pananampalataya sa ating poong maykapal