Home » Blog » Silvio, Annie Catherine

Silvio, Annie Catherine

“Aamagin Din Ang Mga Garapal”

Oil paint
2021

Mananagot ang mga abusado, sisingilin din ang siya’ng may utang na dugo, at sa harap ng sambayan na matagal nyang pinagdusa, matatanggap nya rin angimpyernong dinala nya sa lupa.

Kinikilala and Diliman Commune sa kagitingan ng mga mag-aaral na nakiisa sa mga tsuper, isang patunay na ang kabataan, kasama ang ibang sektor ng lipunan ay maglilikha ng mas masikhay na pagkilos.

Pagka’t mapapatunayan ng kasaysayan na magwawagi at magwawagi ang kilusan, at ang diktador na nakaupo sa Malacañang ay lulunurin sa dugo ng bawat Pilipinong naging biktima ng administrasyon. Ang Diliman Commune ang patunay na ang buhay na inialay ng mga martyr ng Unibersidad ng Pilipinas ay hindi kahit kailanman ay masasayang. At bilang mga panibagong artista ng bayan,nararapat lang na gamitin natin ang sining hindi para sa sariling kapakanan kundi, para patunayin na ang buhay nina Ian, Tanya, Rez, at ang marami pang mga martyr, ay nagbunga ng mas masikhay na pagkilos at aktibismo sa kolehiyo.

At darating din ang pagkakataon na ang kabataan, kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan, ay papanuoring magdusa ang mga parsitikong abusado sa milyong milyong Pilipino at darating ang pagkakataon na wala nang kasama ang kailangang pang mabalitaang patay o nawawala. Darating ang pagkakataon na ang diktador ang makakatikim ng impyerno

I am currently a First year Fine Arts student, major in Visual Communication. I am also a member of UGATLahi and the Graphics head of CSSP’s student publication, SINAG. I have been a self-taught artist since I was young considering that I have majored in the field of STEM before taking up Fine Arts