
“Perspektiba’y”
Acrylic on Canvas Panel
16 x 20
March 31, 2021
Ang perspektiba’y— hindi rito natatapos ang laban at ang Pilipino lang ang makapagpapatuloy sa argumentong makakawakas sa paghihirap ng inaapi. Ang tibay at lakas ay magmumula sa perskpektibo ng isang Pilipino, higit sa lahat ang isang mag-aaral na may kamalayan sa kasalukuyang nararanasan ng ating bansa.
—
Minsan ang tahanan na siyang kanlungan ay siya pang nagkukubli ng katotohanan patungkol sa tunay na laban. Marahil iba ang dikta ng lipunan dahil sa binusal na ang magiging kapalaran. Patuloy na magiging uhaw sa lenteng kultural ang mamamayan kung paiiralin ang mala kolonyal na sistema. Ngunit hindi maikukubli na ang edukasyon ay hindi lamang matatagpuan sa apat na sulok ng silid-aralan.
Tahanan na lunsaran ng malay. Ito’y gabay sa pagpagaspas ng mga pakpak ng bawat kabataan na patuloy na haharapin ang hamon sa kasalukuyan. Upang imulat ang kalagayan at pakinggan ang mga Ito’y patuloy na iiral at hindi matutuklasan sapagkat ang totoong rebolusyon ay kaakibat at nagmumula sa perspektibo ng mamamayan. Hanggang sa ang tao ng lipunan ay masilayan ang pananaw at lagayan ng mga nasa laylayan.
Ang tinig na siyang nagbibigkis upang bigyang buhay ang mga ang masa. Yungib na siyang huhubog sa kaliwanagan upang tunguhin ang perspektibong makamasa, makabayan, malaya at mapagpalaya. Gaya ng ingay alingawngaw, ito ba’y nauunawaan —napakikinggan ng walang imbot at pagaalinlangan? O ‘di kaya sadyang kabataan lang ang nakakakita ng kabuluhan?
Sensing the differences and appreciating life on its lenses, John Vash Borja Tiston is a 19-year-old student artist from Quezon City, Philippines. He is currently a freshman taking up the program Bachelor of Fine Arts – Visual Communication at College of Fine Arts, University of the Philippines Diliman.
An advocate for agriculture and the welfare of farmers in the Philippines. Empowering and uplifting the farmers is one of advocacies, thus, rice is as engraving your feet beyond the grounds. Therefore, he uses his talent to spread awareness to people through his art. For him, art is meant to make a difference.