
“Flood of Great Din”
“Flood of Great Din”
Acrylic on canvas
18×24 in
2021
“Eclipse” ang ating salita para sa pagtakip ng buwan o araw sa isa’t isa. Dahil sa agham, alam natin na ito ay penomenang nagaganap sa kalawakan. Karamihan pa nga sa atin ay pinagkukunan ang penomenang ito bilang aliw. Ngunit sa mga nakalipas na sibilisasyon, iba ang reaksiyon ng ating mga ninuno. Sila ay umiiyak sa kaba, humihiyaw sa galit, at tumututol sa “tangkang pagnanakaw” ng buwan. May maririnig din na paghampas ng mga gong, tambol, o anumang bagay na gumagawa ng ingay. Ang samu’t-saring ingay na bunga nito ay para pigilan ang halimaw na nagtatakang kainin ang buwan. Kahit pa man maliit at kaunti ang ibinibigay na liwanag ng buwan kumpara sa araw, pinagdarasal pa rin ito ng ating mga ninuno na manatili sa langit. Dahil ang buwan ay nagbibigay liwanag at gabay sa madilim na gabi.
Aking ihinahalintulad ang buwan sa pag-asa, katotohanan, at karapatan na ating ipinagtatanggol sa tuwing napapaloob sa peligrosong mga panahon. Maraming beses na tayong nagpumiglas sa mga halimaw na gustong kainin ang liwanag. Patuloy pa rin silang namumuhay sa tabi, dala ang kanilang balak. Hindi natin dapat sayangin ang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ipagpatuloy ang pagprotekta sa ating katotohanan at karapatan!
Blair, Emma ( 1906). The Philippine Islands, 1493-1898, volume 43 Arthur II, Clark Company Retrieved from http//:www.gotenberg.orgfiles.35391text
[A reimagination of my past artwork”Gong ay kalampagin kung sa buwan ay may kakain” (2021)]
From heavy strokes and vibrant colors to muted or dull compositions, Luis Alberto and his variant artworks shows his exploration.
His subjects and ideas mainly come from his identity and frustrations.
L. Alberto is currently taking Bachelor of Fine Arts in Art Education at the University of the Philippines Diliman.